Monthly Archives: January 2017

Movie Review: Die Beautiful

​🎬📽Movie Review: Die Beautiful 

Director: Jun Robles Lana 

Starring :

Paolo Ballesteros as Tricia/ Patrick Echevaria 

Joel Torre as Mr. Echevaria 

Gladys Reyes as Beth

Luis Alandy as Jesse

Albie Casiño as Migs 

Christian Bables as Barbs

Faye Alhambra and Inah De Belen as Shirley Mae

IC Mendoza as Paola

🎥 Review: 

Inaamin ko, wala ako masyado alam sa teknikal na aspeto ng isang pelikula pero marunong ako kumilatis nang isang obra. 

Hindi rin ako mahilig talaga manuod ng Tagalog movies sa sinehan, kasi wala na talaga time sa ganyan at madalas kapag rest day ko sa opisina gusto ko nasa bahay lang ako  natutulog o nagbabasa lang ng mga libro ko. Nagpabago sa akin ang line up ng Metro Manila Film Festival 2016. 

Last July 2016, napapansin ko na panay post na ni Paolo ng mga make up transformations niya at talagang naaliw ako. Pero ramdam ko may ginagawa na syang sorpresa. 

Tuwang tuwa ako at magaganda talaga ang ipapalabas sa sinehan! Finally, quality movies! Time to enrich our minds and spirit. 

Inuna ko talaga ang Die Beautiful kasi sobrang abang talaga ako sa movie. 

Napakahusay talaga ni Paolo sa pagganap bilang si Tricia, hindi niya pinakita na gusto niya sumuko sa buhay kahit napakadami na nyang pinagdaanan. Naging mapagmahal na “ina” , bestfriend at “girlfriend” sya. 

Hindi lang sya pinalad sa pagmamahal ng isang ama pero napatunayan nya pwede nya ipadama sa ibang tao ang pagmamahal na kaya nyang ibigay. 😘😉

Si Barbs! Ang bestfriend mong beki! Napaka convincing nya umarte. Ipaglalaban niya ng patayan si Tricia, all out sa suporta at hinding hindi niya iniiwan ang mga kaibigan niya. 

Revelation talaga si Christian Bables dito! Winner na 🏆 winner! Kaya pala sya nanalo na Best Supporting Actor, talaga expected ko na din kasi na si Paolo ang Best Actor. Hindi nagpapahuli sa arte si Christian, kahit mata lang nya umaarte na. Napaka natural mag react sa bawat eksena. 

Luis Alandy ðŸ’•ðŸ’•ðŸ’•ðŸ’•ðŸ’•

Huwag kayo kumontra, mahal ko sya. Noon pa man nakitaan ko na talaga ang galing niya sa pag arte hindi lang sya lagi nabibigyan ng lead roles. The way na tumitig sya kay Tricia, talagang napaka sincere at may protective instinct yun dating. 

Hindi eto talaga advisable na panuorin ng below 18 years old at talagang may topic na hindi angkop sa kanila. 

Sobrang dali i pick up iyon storyline, hindi ka malilito at tama lang yun flow ng mga scenes. Iyon mga linya sa pelikula, napaka sakto at talagang tatamaan ka. 

Until next movie to watch! 🎬🤗🤗🤗

Leave a comment

Filed under Uncategorized