Monthly Archives: October 2016

Book Review : Bitter by Mandie Lee

​Book Review: 

📖

Bitter by Mandie Lee
Medyo matagal bago ako gumawa ng book review. 

Pero isa etong book na hindi ko dapat palagpasin. I have to re read few chapters para humugot nang sasabihin. 
I am NOT against by Savannah’s actions  here. I can’t blame her. Sinong babae ang mag pa party pa kapag iniwan ng fiance’ at ipinagpalit ka sa isang babae? At kakambal mo pa!
Siguro, hindi man ako mag drugs tulad ni Savannah, pero baka malulong ako pag inom ng alak. Pero syempre bawal sa akin. Nangyayari sa totoong buhay yun eksena sa libro. 
May mga oras na pakiramdam ni Savannah wala sya talagang laya sa mundong ginagalawan niya kaya kailangan niya mag “break free”. Being a stepford daughter o may i say na mala ideal daughter is not easy. 

Nakaasa syo magulang na always do good at kala nila sobrang perfect mo. You have to let go din naman your hidden emotions. 
Caleb, help her to free herself. I like the love scenes as well. It lets me explore my sexuality. Hindi ako papa plastic dito ah. Matatanda na tayo, bawal pabebe sa akin. Nakakairita nga yun iba dyan na pa virgin effect pero malalandi naman talaga. Hindi masamang magbasa ng Red Room , hindi lang eto puro about sex, may malalim na dahilan kaya nagagawa ng bidang si Savannah ang mga bagay bagay. 
She is angry, lonely and bitter 
Kapag galit, pakiramdam mo wala ng tama. Lahat magulo, madilim ang mundo ginagalawan mo. 

Malungkot dahil nag iisa ka, walang sinserong taong hahawak sa kamay mo kapag naliligaw ka ng landas.

Mapait. Lahat na lang hindi maganda ang resulta ng mga action mo. Sa huli, hinahayaan mo na lang na maging ganun, na kahit paulit ulit gagawin mo pa din.

Naging pait ang droga kay Savannah. 
Savannah experience everything that’s NOT nice. From her family and her lovelife. 
Caleb rescued her from it. Pero kala lang pala niya iyon, hindi niya agad nakamit agad. Meron pala talaga din pait si Caleb sa nakaraan. 
Nag take risk na nga si Savannah ulit tapos masasaktan din pala. To the guy she trusted. Pero I am glad na elaborate ang lahat ng pangyayari, maganda ang execution kung bakit naging ganun ang hero at heroine. 
Happy lovemaking na ulit and happiness overflow for the couple! 
P.S. Bawal sa  mga Pabebe ang librong eto. Until next book review! 

😘📚

1 Comment

Filed under Uncategorized

Book review! 

I am.planning to do a lot of book reviews to lessen my stress. This would help me place my energy into productive stuff. 
Watch out for it! 

Leave a comment

Filed under Uncategorized