Monthly Archives: May 2016

Saan nagsimula?

Paano nga ba Ako nagsimula magbasa ng libro?

Noon anim na taon gulang Ako, lagi na Ako sinasanay ng Lola ko magsulat ng dikit dikit, medyo istrikta iyon dahil may lahing Kastila. Natuto na din Ako magbasa ng mga librong pambata noon at minsan higit sa 3 libro pa ang nahihiram ko sa silid-aklatan.

Natuto na din ako magbasa ng Classic books tulad ng Huckleberry Finn, Tom Sawyer at Moby Dick nun grade 3 na ako. Namulat na din ako magbasa ng pocketbook dahil minsan nakikita ko ang Tita ko nababasa nito.

Natatandaan ko Flames pa yata yun publishing house nun. Nakakatuwa iyon istorya nun kasi para din sya
napapanuod ko sa TV na mala teleserye.

Hanggan tumanda na ako,  lumabo ang mata at nakaka 2 library card ako sa taon ko nun elementary, na confirm ko na talaga na bookworm ako. 

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Book reviews

Dahil diyan, I am going back placing my book reviews.

Taglish, English o Tagalog. Maganda din talaga may book review.

Kaya yun mga gusto mag pa book review,  andito lang Ako lagi. Feel free to ask me.

Sana lagi Ako sipagin.

Leave a comment

Filed under Uncategorized