The Thing Called Tadhana ( my movie review)

image

image

image

image

Last year, ipinalabas ang movie na gustong gusto ko mapanuod. Nakikita ko na nag popost sa Instagram si Angelica Panganiban na may movie syang gagawin with JM de Guzman.

Oo na, ako na ang feelingera! Mula bata pa kasi ako marami ng nagsasabi na kamukha ko si Angelica P. , kaya talagang naging paborito ko rin sya. May pag ka bakla din ako magsalita, prangka at makulit.

Eto na nga, mag movie review na nga tayo.

Napaka natural lang yun mga salitang ginamit sa pelikula. Kapag sinaktan ka ka ba ng ex boyfriend mo, pupurihin mo sya? Aba, syempre HINDI! Minumura ko ng bongang bongang ang ex boyfriend ko kapag naaalala ko sya at nasa “Art of Letting Go” stage ako.

Malupit din kasi si ex bf, babaero.
Katulad ni Mace, hinahanap ko din yun sarili ko. Nag biyahe ako sa Lucena, Quezon mag isa, mag isa akong nag ma mall at bumirit din ako kanta ni Ateng Whitney.

Sabi ko sa sarili ko, ” Tatanggapin ko na lang, na tatanda akong mag isa”.
Ayoko na mag expect na may darating pang lalake sa buhay ko, nun nagmahal kasi ako, bigay todo. Wala na akong iniwan para sa sarili ko.

I  am lost.

Dumating ako sa point, na nag byabyahe ako, muntik na akong hindi makabalik sa amin.
Pero sabi ko sa sarili ko “Huwag kang gaga, lalake lang yan!”

Ayun, mabigat man, mabagal man, kinaya ko. Tulad nun nagbubuhat ng bagahe si Mace sa bridge sa may Baguio, kinaya nya mag isa buhatin yun “bagahe”.

Coke Zero= paborito niyang inumin
Notepad= dun nya ako sinusulatan, kapag nag papacute si ex bf
Sebastian= hindi nya pangalan, pero tuwang tuwa sya sa pangalan na yun.
Rayban shades = lagi nya suot
Celtic cross = tattoo nya sa likod
Faithful = sa right arm naman nya tattoo, akalain mo yun! Putakte lang! Nagpalagay pa ng Faithful, eh mistulang babaero.
Antipolo Church = first date

Tulad ni Mace, ma detalye din ako sa relasyon, kahit anong bagay ata’ na co connect ko sa kanya.

Sumigaw din ako, “Ayaw ko na, pagod na ako”. Inisip ko kasi , di ba ang Love dapat lagi lang happy? Pero yun love na pinagsamahan namin puro kalungkutan na lang, masakit, panget. Ayoko na alalahanin.

Ngayon, hindi ko masasabi na may “Anthony” sa buhay ko.

Pero, sa totoo lang…

Meron.

Ayaw ko muna mag assume, kasi mahirap na. Baka masaktan na naman ako, baka mapagod na naman ako kakamahal tapos maloloko lang naman. Pero inisip ko, bakit hindi ko subukan.

Love without pain, is NOT love after all. You have to take risks.

Kaya eto, may isang lalakeng sumusubok. Tinanong nya ako “Oh , baka kapag ikwento mo yun ex boyfriend mo, mag kaiyakan tayo.”

Natawa ako. Nagkwento ako, pero wala na halong galit, parang wala lang. Kasi sinabi ko sa sarili ko para makalimutan ko ang taong nanakit sa akin, kailangan ko magmahal ng bago. Dapat umasa pa din ako.

Ang overwhelming na pagmamahal ko daw ay may sapat na kasuklian.
Sinabi rin ng  ” Anthony” ko ang mga katagang yan, gaya gaya din sya. 

“Bakit mo ipapaubaya sa hangin o tadhana , ang isang bagay na hindi mo nakikita?”

“Habulin mo, hangga’t bumalik sa’yo, huwag kang bibitaw”

Sa ngayon, ayaw namin bitawan ang isa’t isa. Masaya kami sa piling ng isa’t isa.

Advertisements

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s