Wag ka puro arte at reklamo!!

 

Kasama ko yun ate ko noon nakaraan para ipagawa yun uniform nya at kung san saan pa kami napadpad, tapos kumain kami sa paborito namin Sizzlingan 🙂

 Napansin ko ang isang batang lalake na paligid ligid sa kaninan. Lumapit na sa amin at nahihingi ng piso. Sabi ko “Eto oh, inumin mo na yun soda na kapatid ko, walang AIDS ang ate ko huwag ka mag alala” ( ayaw na kasi ubusin ng Ate ko yun soda nya, nabusog na )

Bata: “Naku po, bawal eh, bigyan nyo nalang po ako piso”

Ako: “Anong bawal?”

Bata: “Ayaw ni Ate, (sabay turo nun bata sa nag sisilbi sa kainan), Pagagalitan nya ako eh”

Ako: “Hayaan mo sya, kesa naman bigyan kita ng piso, ano pang gawin mo dun, “

Bata: “Salamat po!” (kinuha na niya yun baso ng soda mula sa akin)

Napansin ko na nakatingin pala sa amin yun grupo na mga kalalakehan na malapit sa table namin, nakatingin at naka ngiti specifically sa akin. Mukhang natuwa sila sa inasal ko. I even overheard someone na, “Ang swerte siguro nun boyfriend nun babae, maganda na mabait pa” 

“Ang cute nun magkapatid”

“Ang puti naman nun”

“Hays, Pare sayang at may girlfriend na ako, sana sya na lang”

Umalis kami sa kainan at kailangan pa namin bilhin ang binilin ng aming isa pang kapatid, habang nag lalakad kami pauwi may nakasalubong kaming mga teenagers na nag kwekwentuhan tungkol sa mga bagong damit at teknolohiya. Naiinis pa yun isa kasi medyo luma na daw yun modelo na kanyang phone, dapat naka IPhone5 na daw din sya , katulad ng mga kaibigan nya. Kinukumbinsi naman ng mag kakaibigan na humingi na lamang  sya sa mga magulang nito.

Napa isip ako, bakit may mga kabataan na puro yun lang ang laman ng isip? Naisip ba nila na minsan may mga batang ni tubig walang sila mainom o ni isang butil ng kanin hindi makatikim.

Hindi ako naawa sa batang nanlimos sa amin , mas naawa ako sa mga teenager na nakasalubong ko na makikitid ang utak.

Advertisements

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s