Monthly Archives: August 2013

Ano ka ba? hindi ako alcoholic naging workaholic ako.

Gaano ka workaholic?

Kala ko nun una, magiging tamad ako sa BPO company. Kala ko lang iyon! Sobrang nataga at humaba na yun pasensya ko sa mga taong nakakasalamuha ko.

 May Gago, may pumapatol sa may asawa, may dalagang ina   na pumapatol sa lalakeng lasenggo, may tibo, may bakla at kung anu ano pa sila.

 Nakakatawa na sa nagawa ko panindigan ang pagiging empleyado sa isang lugar na sinasabi nila, “kuhanan lang pera yan at layasan din” . Siguro dahil napamahal na sa akin ang trabaho ko at naramdam ko sobrang pinag kakatiwalaan ako ng boss ko.,

Ngayon, panahon na para ako ang mag train ng mga ahente. Huwag sana nila ubusin ang pasensya ko habang meron pa,  hanggan sa bahay sila pa din iniisip at inaasikaso ko.

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Wag ka puro arte at reklamo!!

 

Kasama ko yun ate ko noon nakaraan para ipagawa yun uniform nya at kung san saan pa kami napadpad, tapos kumain kami sa paborito namin Sizzlingan 🙂

 Napansin ko ang isang batang lalake na paligid ligid sa kaninan. Lumapit na sa amin at nahihingi ng piso. Sabi ko “Eto oh, inumin mo na yun soda na kapatid ko, walang AIDS ang ate ko huwag ka mag alala” ( ayaw na kasi ubusin ng Ate ko yun soda nya, nabusog na )

Bata: “Naku po, bawal eh, bigyan nyo nalang po ako piso”

Ako: “Anong bawal?”

Bata: “Ayaw ni Ate, (sabay turo nun bata sa nag sisilbi sa kainan), Pagagalitan nya ako eh”

Ako: “Hayaan mo sya, kesa naman bigyan kita ng piso, ano pang gawin mo dun, “

Bata: “Salamat po!” (kinuha na niya yun baso ng soda mula sa akin)

Napansin ko na nakatingin pala sa amin yun grupo na mga kalalakehan na malapit sa table namin, nakatingin at naka ngiti specifically sa akin. Mukhang natuwa sila sa inasal ko. I even overheard someone na, “Ang swerte siguro nun boyfriend nun babae, maganda na mabait pa” 

“Ang cute nun magkapatid”

“Ang puti naman nun”

“Hays, Pare sayang at may girlfriend na ako, sana sya na lang”

Umalis kami sa kainan at kailangan pa namin bilhin ang binilin ng aming isa pang kapatid, habang nag lalakad kami pauwi may nakasalubong kaming mga teenagers na nag kwekwentuhan tungkol sa mga bagong damit at teknolohiya. Naiinis pa yun isa kasi medyo luma na daw yun modelo na kanyang phone, dapat naka IPhone5 na daw din sya , katulad ng mga kaibigan nya. Kinukumbinsi naman ng mag kakaibigan na humingi na lamang  sya sa mga magulang nito.

Napa isip ako, bakit may mga kabataan na puro yun lang ang laman ng isip? Naisip ba nila na minsan may mga batang ni tubig walang sila mainom o ni isang butil ng kanin hindi makatikim.

Hindi ako naawa sa batang nanlimos sa amin , mas naawa ako sa mga teenager na nakasalubong ko na makikitid ang utak.

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Nerd Girl Problem. ^0-0^

 

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Ano ang trip mo?

 

Gaano ka ba talaga mahilig magbasa?

     Sa buhay natin mag kakaroon tayo ng kanya kanyang hilig, meron sa Sports, sa Art o sa Pagluluto. Nasa ikalimang baitang ako ng elementarya ng mahilig ako sa pag babasa. Minsan nag tataka ang nanay ko bakiot daw lagi ako nag kukulong sa kwarto? Kala niya kung ano na ang ginagawa ko, Pero sa totoo lang nag lalamay ako magbasa. Pakiramdam ko lumalakbay ako sa ibang lugar kapag nag babasa ako.

             Parang kailan lang , ngayon ay bente otso anyos na ako at hindi pa din ako tumitigil sa pag babasa at mangolekta ng libro. Sabi ng ate ko mas madami pa nga daw ako libro kesa damit. Pero hindi ako nag sisi na naging “bookworm” ako dahil marami akong natutunan at hindi nabuburo ang aking utak.

 

 

Leave a comment

Filed under Uncategorized

My Mommy

 

How do you love your mom?

Dati noon 3rd year high school kami may project mag design ng aking notebook at ilalagay ang aming pananaw sa Noli Me Tangere, kung anu-ano lang ang nilagagay ko, mula sa stickers na nabibili ko sa bookstore,galing sa mga lumang giftwrappers. Kapag nakakatapos ako ng isang chapter, pina pakita ko sa aking Mommy, tuwang tuwa siya kasi ang kulay kulay daw at paniguradong magugustuhan ng aking teacher.
Natapos namin ang aming project, at nun nakuha ko ang grado ko sa aking project , pag uwi ko galing school ay excited ako ipakita yun sa akin ina. Hinintay ko ang aking mommy umuwi mula sa kanyang opisina, tuwang tuwa siya nga makita ang aking grado. Pag buklat niya ng aking notebook nakita niyang “100%” at may lakip na note pa ang aking guro.

“Your mother must be proud of you, Keep up the Good work!”

I just simply love my mom, I love doing things that makes her happy and proud.

Leave a comment

Filed under Uncategorized